Monday, June 23, 2008
PERO HAYUP KA, PARENG FRANK. KUNG HINDI KA DUMATING,MALAMANG EH MAY KURYENTE KAMI SA BAHAY. DAHIL SA'YO, HALOS DALAWANG ARAW NA KAMING NAGDUDUSA SA KADILIMAN. SALAMAT, PARENG FRANK, DAHIL NAPAG-ISIP-ISIP MONG LUMAYAS NA DAHIL MADAMI KA NANG NAPERWISYO.
Wait. Brownout sa'min di ba? Pano ko nakakapagcomputer? Hmmm. Uuuyy, may generator kami. Uuuuyy, ang dami kong perang pangrent. HAHAHA NOT. Andito ulit ako kina Memel, nakikigamit na lang ng PC dahil sa pesteng serbisyo ng Meralco.
Hindi man lang ba nila naisip na madami silang napeperwisyong tao? Tutal, alam naman nila kung saanang mga lugar na brownout eh pinagbuhusan nila ng oras na ayusin kung ano man yung mga nasira sa hagupit ni Pareng Frank na nagiging sanhi ng malawakang pagbrownout. Sumusweldo naman sila may kuryente man o wala eh. Malalaking tao na sila, unless they are too dumb to know what their job is.
MAY LIWANAG ANG BUHAY.
Yan pa naman ang ginagamit niyong tagline sa commercial. BULLSHIT. Nasaan ang liwanag sa bahay namin? Buti na lang nauso ang kandila at ginawa ni Lord ang araw. Kung hindi, all of us would be wallowing in darkness and find ourselves badly bruised the moment na magkailaw uli.
Sana naman ayusin na. Nagbabayad naman ang mga tao sa kuryente. Madami mang reklamo eh nagbabayadpa din naman. Sana man lang inisip nila na mahirap mawalan ng kuryente at nakakasama ng loob na malaman namin na street nalang namin ang wala pang kuryente samantalang kaming mga nakatira sa commercial area ay nagbabayad ng malaki sa Meralco.
If I go home and still, wala pang kuryente, MAGWAWALA NA AKO. >:(